Presyo ng bigas sa mga pamilihan stable ayon sa Department of Agriculture

Sa kabila ng nararanasang COVID-19 pandemic, siniguro ng Department of Agriculture na stable ang presyo ng bigas sa merkado.

Sa pagdinig ng Kamara sa 2021 proposed budget ng DA, sinabi ni Agriculture Secretary William Dar kung walang sources sa loob ng bansa ay mapipilitan ang gobyerno na mag-angkat ng bigas para matiyak ang rice sufficiency.

Sa ngayon aniya ay nasa 86% na rice sufficiency ang bansa na kailangan pang maitaas.

Dahil nagbigay ng tulong ang gobyerno ay maiaangat sa 7% sa katapusan ng taon ang rice sufficieny sa bansa kung kaya’t tiwala ang kalihim na sapat ang suplay ng bigas at mananatiling stable ang presyo nito.

Mayroong P86.3B na panulalang pondo ang DA sa 2021 kung saan ang malaking bahagi nito ay mapupunta sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) na nasa 63.73% (P55 Billion) na sinundan naman ng Capital Outlay na nasa 29.43% (P25.4 Billion).

 

 

Read more...