Film at TV director Francis Xavier Pasion, natagpuang patay

By Isa Avendaño-Umali March 06, 2016 - 07:47 PM SHARE(S):
Director Francis Pasion
Director Francis Pasion

Natagpuang patay sa kanyang bahay ang Film-TV Director na si Francis Xavier Pasion.

Sa inisyal na impormasyon, sinabi ni Atty. Joji Alonso na wala ng buhay si Pasion nang makita sa loob ng tahanan nito sa Quezon City kaninang hapon.

May ulat din na dati ay nasabing may chest pain na naratamdaman si Pasion.

Nagdiwang si Pasion ng kanyang 38th birthday nito lamang February 08.

Si Pasion ay isa sa mga director ng mga teleserye sa ABS-CBN channel 2, gaya ng sikat na On The Wings of Love nina James Reid at Nadine Lustre.

Award winning filmmaker din si Pasion dahil sa kanyang mga obrang ‘Sampaguita’ at ‘Bwaya.’

Para sa Cinemalaya 2017, entry niya ang ‘My Positive Mother.’

Patuloy na iniimbestigahan ng mga pulis ang pagkasawi ni Pasion.

 

TAGS: Director Francis Pasion, Director Francis Pasion

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.