P1.6M na halaga ng ecstasy tablets nakumpiska ng BOC sa Port of Clark

By Dona Dominguez-Cargullo September 11, 2020 - 09:56 AM

Aabot sa P1.6 million na halaga ng ecstasy tablets ang nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa Port of Clark.

Aabot sa 988 na piraso ng ecstasy tablets ang nakumpiska sa kargamento na idineklarang “Air humidifier”.

Dumating sa naturang pantala ang mga kargamento noong September 1 2020 na galing sa Milton Keynes, United Kingdom.

Nang isailalim ito sa masusing pagsusuri ay natuklasang mga ilegal na droga ang laman nito.

Agad isinailalim sa laboratory testing at chemical analysis ang mga tableta at nakumpirmang positibo ito sa Methylenedioxymethamphetamine (MDMA) o “ecstasy”.

Agad nagpalabas ng warrant of seizure sa mga kargamento at naiturn-over na ito sa PDEA.

 

 

 

TAGS: Air Humidifier, BOC, ecstasy tablets, Inquirer News, News in the Philippines, Port of Clark, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Air Humidifier, BOC, ecstasy tablets, Inquirer News, News in the Philippines, Port of Clark, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.