Physical distancing sa mga commuter, ibababa sa .75 meter mula sa kasalukuyang 1-meter

Mula sa kasalukuyang 1-meter na physical distancing, sa mga susunod na linggo ay babawasan na ang distansya sa pagitan ng mga pasahero sa mga pampublikong sasakyan.

Layon nitong maitaas ang seating capacity ng mga pampublikong sasakyan at mas marami ang makasakay na pasahero.

Ayon kay Transportation Sec. Arthur Tugade, inaprubahan ito ng Inter Agency Task Force.

Simula sa Sept. 14, .75 meters na lang ang pagitan ng mga pasahero sa mga PUV.

Magiging 0.5 ito sa susunod na dalawang linggo at 0.3 meter sa susunod pang dalawang linggo.

Magpapatupad na din ng adjusted passenger capacity sa mga tren kaya inaasahang tataas din ang bilang ng mga pasaherong maa-accommodate sa mga tren.

Sa kasalukuyan, 155 ang train capacity sa LRT-1 sa ilalim ng umiiral na 1-meter physical distancing.

Sa pagpapatupad ng 0.75 hanggang 0.3 meter na distansya ay tataas ang passenger capacity nito sa hanggang 300.

Sa LRT-2 naman mula sa kasalukuyan 160 na passenger capacity ay tataas ito sa hanggang 502

Sa MRT-3, mula sa kasalukuyan 153 na passenger capacity ay tataas ito sa hanggang 286.

At sa PNR, mula sa kasalukuyan 166 na passenger capacity ay tataas ito sa hanggang 320.

Ang mahalaga ayon kay Tugade lahat ng pasahero ay susunod sa mandatory na pagsusuot ng face mask at face shied

 

 

 

 

 

Read more...