Sweet off screen ang tambalang Alden at Maine sa Boracay

aldub boraPinagpipiyestahan ngayon sa social media ang mga sweet picture ng magka-loveteam na sina Alden Richards at Maine Mendoza na spotted sa Boracay island.

Pero bago ito, magkahiwalay na nagpost sina Alden at Maine sa kani-kanilang Twitter accounts.

Unang nagpost si Maine at sinabing ‘Today shall be good.’ Habang say naman ni Alden, “Pag gusto may paraan…’

Noong March 03 ang ika-21st birthday ni Maine. Pero kahapon nagkaroon ng bonggang birthday celebration ang tinaguriang Yaya Dub sa noontime show na Eat Bulaga.

Dito nagbigay ng limang regalo si Alden kay Maine, batay sa mga letter ng pangalan nito. 

 

Read more...