VP Robredo, naglunsad ng plataporma para sa mga naghahanap ng trabaho

By Jan Escosio September 10, 2020 - 11:21 PM

Inanunsiyo ni Vice President Leni Robredo ang isang bagong programa ng kanyang tanggapan para makatulong sa mga naghahanap ng trabaho.

Aniya, layon ng BAYANIHANAPBUHAY na magkaroon ng plataporma para mapadali ang paghahanap ng trabaho.

Ibinahagi nito na sa mga nakalipas na araw ay nakipag-usap sila sa ilang kumpanya para malaman ang kanilang ‘job openings’ at ang mga ito ay kanilang ipo-post sa BAYANIHANAPBUHAY sa tulong ng Sikap.PH.

Batid ni Robredo na maraming Filipino ang nawalan ng hanapbuhay at kabuhayan dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa kasalukuyan, mayroong 2,796 job postings sa Sikap.PH dahil sa pagtugon ng ilang kumpanya.

Hinihikayat din nito ang ibang kumpanya na interesado maging bahagi ng programa na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan.

TAGS: Bayanihanapbuhay, COVID-19, Inquirer News, job openings, OVP projects, Radyo Inquirer news, Sikap.PH, VP Leni Robredo, Bayanihanapbuhay, COVID-19, Inquirer News, job openings, OVP projects, Radyo Inquirer news, Sikap.PH, VP Leni Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.