Cellsites ng bagong telco, dapat sa mga eskuwelahan – Sen. Recto

By Jan Escosio September 10, 2020 - 11:16 PM

Nangangamba si Senate President Pro Tempore Ralph Recto na malagay sa alanganin ang pambansang seguridad kapag nakapagpatayo ng cellsites sa ilang kampo militar ang Dito Telecommunity.

Diin ni Recto, dapat ay istriktong ‘no-go zones’ ang mga kampo militar at aniya, napakalawak ng Pilipinas at dapat sa ibang lugar magtayo ng cellsites ang itinuturing na 3rd major telco sa bansa.

Sa palagay ni Recto, hindi naman krusyal sa operasyon ng Dito na ang kanilang cellsites ay nasa mga kampo ng AFP.

Ang Dito ay pag-aari ng Udenna Corp., ni Dennis Uy at China Telecommunications Co.

Inamin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na inaprubahan na niya ang pakikipagkasundo ng AFP sa Dito para magtayo ng cellsites sa ilang kampo.

Katuwiran naman ng kalihim, sa mga pagtatayuan ng Dito ay may cellsites na rin naman ang Globe at Smart.

Balik katuwiran naman ni Recto bakit hindi sa mga public school campuses at state universities and colleges itayo ang cellsites ng Dito dahil kailangan ng mga estudyante ng malakas na internet signal.

Maaari ding pakinabangan ng mga paaralan aniya ang bayad sa paggamit sa lupa na pagtatayuan ng cellsites.

TAGS: Dito cellsites, dito telecommunity, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sen. Ralph Recto, Dito cellsites, dito telecommunity, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sen. Ralph Recto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.