Isang private emission testing centers, sinuspinde ng DOTr

Sinuspinde ng Department of Transportation (DOTr) ang isang private emission testing centers.

Ayon sa kagawaran, sa pamamagitan ng Investigation Security and Law Enforcement Staff (ISLES), naglabas ng preliminary suspension order (Department Order 2016-017) dahil sa pamemeke ng emission test results.

Pinatawan ng suspensyon ang Diamond Emission Testing Center sa EPZA By Pass Road, Potol, Kawit, Cavite.

Epektibo ang suspensyon sa loob ng 90 araw.

Babala ng DOTr sa mga IT Service Provider, posible silang mapatawan ng parusa kapag nagpatuloy sa pagproseso ng mga datos na galing sa mga suspendidong emission centers.

Read more...