Pagpasok ng isang may Zika virus sa bansa, kinumpirma ng DOH
Kinumpirma ng Department of Health o DOH na nag-positibo sa Zika Virus ang isang US resident na bumisita sa Pilipinas noong Enero.
Ayon kay DOH Secretary Janet Garin, ang report ay ipinarating sa kanila ng US Center for Disease Control.
Ang pasyente ay isang ‘non-pregnant adult’ o hindi buntis, pero nagkasakit noong huling linggo niya sa Pilipinas.
Nasa Amerika na muli ang pasyente, na hindi na pinangalanan.
Sinabi pa ni Garin na nakitaan na ang pasyente ng Zika symptoms mula noong January 2 hanggang 18.
Dahil sa kumpirmasyon na ito, tinutunton na ng mga otoridad ng Pilipinas at US ang mga lugar na binisita ng Amerika at magasagaw ng mga hakbang upang mapigilan o makontrol ang virus.
Tiniyak naman ni Garin na walang outbreak ng Zika virus sa Pilipinas kaya walang rason para mag-panic.
Payo ring muli ng kalihim sa nagdadalang-tao sa bansa at sa mga planong magbuntis na magkaroon ng extra precautions upang maiwasan na makagat ng mga lamok.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.