Kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City, 3,785 na

Nasa 3,785 na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City.

Batay sa datos ng Muntinlupa City government hanggang 6:00, Huwebes ng gabi (September 10), sa nasabing bilang ay 696 ang aktibong kaso.

571 naman ang ikinokonsidera bilang probable case at 552 ang suspected cases.

Samantala, 2,960 residente na sa lungsod ang gumaling sa COVID-19 pandemic habang 129 naman ang nasawi.

Read more...