19 pang kaso ng COVID-19, naitala sa Baguio City
Nasa 19 pang residente sa Baguio City ang nagpositibo sa COVID-19.
Batay sa Baguio City COVID-19 monitoring hanggang 5:00, Huwebes ng hapon (September 10), umabot na sa 415 ang kabuuang bilang ng kaso ng nakakahawang sakit sa lugar.
Sa nasabing bilang, 81 ang aktibong kaso.
12 naman ang bagong gumaling sa COVID-19.
Bunsod nito, 323 na ang totap recoveries sa Baguio City habang 11 na ang death toll.
Samantala, sa suspected cases, nasa 1,688 ang aktibo habang 3,181 ang naka-recover.
Patuloy namang nakasailalim sa 14-day quarantine ang 7,404 na residente habang 19,171 ang nakatapos na.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.