outbrain

Coleen Garcia, nagsilang ng baby boy

By Angellic Jordan September 10, 2020 - 08:26 PM

Nagsilang ang aktres na si Coleen Garcia ng baby boy.

Inanunsiyo ito ng aktres sa pamamagitan ng kaniyang Instagram account.

Isinilang ng aktres si baby Amari, unang anak nila ni Billy Crawford, sa pamamagitan ng water birth.

“There’s so much I wanna say, but for now, I just want to praise God for being so so good. Thank you, Lord, for our beautiful Amari,” caption sa Instagram post ni Coleen.

Bumuhos naman ang pagbati kina Billy at Coleen mula sa kanilang mga kaibigan at tagasuporta.

Unang inanunsiyo ng mag-asawa ang pagbubuntis ni Coleen noong buwan ng Mayo.

Ikinasal sina Billy at Coleen taong 2018.

TAGS: Baby Amari, Billy Crawford son, Coleen Garcia baby, Coleen Garcia birth, Coleen Garcia son, Inquirer News, Radyo Inquirer news, water birth, Baby Amari, Billy Crawford son, Coleen Garcia baby, Coleen Garcia birth, Coleen Garcia son, Inquirer News, Radyo Inquirer news, water birth

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.