Pag-atake sa elderly home sa Yemen, gawa ng diablo ayon kay Pope Francis
Ikinalungkot at kinundina ni Pope Francis ang pagpatay sa labing anim katao sa isang Elderly Care Home sa lungsod ng Aden sa Yemen.
Kabilang sa mga namatay ang apat na madre na inilarawan Santo Papa bilang “Act Of Senseless And Diabolical Violence” o kagagawan ng diyablo.
Lahat kasi ng mga biktima ay binaril sa ulo at pinosasan pa ang mga kamay.
Ayon sa Vatican, dalawa sa mga nasawing madre ay Rwandan nationals, isa ang Indian, at isang Kenyan, na paw ang mula sa Missionaries Of Charity Congregation na pinasimulan ni Mother Teresa. Hangad ni Pope Francis na makunsiyensiya ang mga suspek at maginhawa bukas sa dayalogo.
Sa ngayon ay wala pang grupo get umaako sa isinagawang gun attack bagaman isinisisi ito ng Yemeni officials sa grupo ng Islamic State.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.