Repatriation ng mga labi ng dalawang nasawing Pinoy sa Abu Dhabi gas explosion, inihahanda na

Inihahanda na ang repatriation ng mga labi ng dalawang Filipino na nasawi sa nangyaring gas leak explosion sa Abu Dhabi noong August 31, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

“The DFA reports that the remains of the two Filipinos who died at the 31 August 2020 gas leak explosion in Abu Dhabi are now being prepared for repatriation to the Philippines, after being cleared by authorities,” pahayag ng kagawaran.

Nakikipag-ugnayan na ang Embassy officials at regional representatives mula sa DFA at Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga pamilya para sa pagtanggap ng mga labi.

“The Embassy arranged the viewing of the remains by family members, and is currently monitoring discussions between the families of the deceased and their employers,” ayon pa sa kagaawran.

Inaasiste rin ang mga naulilang pamilya sa pagproseso ng matatanggap na death benefits mula sa gobyerno.

Samantala, nakausap ni Ambassador Hjayceelyn Quintana sa telepono ang isang Filipino na nasugatan sa insidente.

Tiniyak naman nito na unti-unti na siyang gumagaling.

Nagpasalamat naman ang embahada sa UAE Government para masiguro ang pag-aalaga sa mga apektadong Filipino.

Nagpasalamat din ang embahada sa mga miyembro ng Filipino community na nag-alay ng panalangin at suporta sa pamilya ng mga biktima.

Read more...