Pitong menor de edad nasagip sa Binondo, Maynila

By Angellic Jordan September 10, 2020 - 04:32 PM

Photo credit: Manila PIO/Facebook

Nasagip ang pitong menor de edad sa Binondo, Maynila Miyerkules ng gabi (September 9).

Ayon sa Manila Public Information Office, na-rescue ng mga tauhan ng Juan Luna PCP ng Meisic Police Station (PS-11) ang mga menor de edad sa kahabaan ng C.M. Recto Avenue.

Kasunod ito ng isinasagawang routine clearing operations at checkpoint ng mga pulis.

Agad namang dinala ang mga menor de edad sa Manila Department of Social Welfare (MDSW) sa RASAC Covered Court.

Maliban dito, nahuli naman ang 10 lumabag sa City Ordinance No. 8627 at dalawang motorista dahil sa hindi pagsusuot ng helmet at binigyan ng citation ticket.

TAGS: Inquirer News, Juan Luna PCP, Manila PIO, Meisic Police Station, nasagip na menor de edad, Radyo Inquirer news, RASAC Covered Court, Inquirer News, Juan Luna PCP, Manila PIO, Meisic Police Station, nasagip na menor de edad, Radyo Inquirer news, RASAC Covered Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.