Pangangampanya ni Pangulong Aquino sa Daang Matuwid Coalition, ipinagtanggol

By Isa Avendaño-Umali March 06, 2016 - 04:12 PM

liberal-partyAktibo si Pangulong Npynoy Aquino sa kampanya ng mga kaalyado sa Liberal Party dahil parte raw ito ng trabaho niya sa kanyang mga ‘boss.’

Yan ang binigyang diin ni Presidential Communications Secretary Herminio Coloma kasunod ng pahayag ni vice presidential candidate at Senator Francis Escudero na dapat mag-focus na lamang si Pnoy sa patas at malinis na halalan at hindi sa partisanship.

Ayon kay Coloma, ikinakampanya ni Presidente Aquino ang mga kandidato ng Daang Matuwid Coalition dahil sa paniniwalang ‘duty’ niya sa sambayanang Pilipino.

Ito’y upang matiyak din aniya na maipagpapatuloy ang good governance na mahalaga sa inclusive growth ng bansa lalo na para sa bagong henerasyon ng mga Pilipino.

Giit pa ni Coloma, kaisa ang lahat si Pangulong Aquino at ang buong administrasyon nito sa pagnanais na magkaroon ng maayos, malinis at mapayapang eleksyon sa May 09, 2016.

Sa mga nakalipas na sorties ng Daang Matuwid Coalition, personal na ikinakampanya ni Pnoy ang standard bearer ng LP na sina Mar Roxas at Leni Robredo, maging ang mga kandidato sa pagka-Senador.

 

TAGS: #VotePH2016, #VotePH2016

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.