Consular office ng DFA sa Tacloban, sarado ng dalawang araw

By Angellic Jordan September 10, 2020 - 01:55 PM

Sarado ang Consular Office ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Tacloban simula sa araw ng Huwebes, September 10, hanggang Biyernes, September 11.

Sinabi ng kagawaran na ito ay para sa isasagawang disinfection at ipatutupad na iba pang preventive measures laban sa COVID-19.

Inabisuhan namam ang mga aplikante na may confirmed appointments sa naturang petsa na magpa-appoint muli sa pamamagitan ng [email protected] kasama ang mga sumusunod na impormasyon:
– Name
– Date of birth
– Original appointment date and time
– Preferred date and time of new appointment

Ang bagong appointment schedule ay maaaring itapat mula September 14 hanggang October 9, Lunes hanggang Biyernes tuwing regular operation hours (9:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon).

Para naman sa mga aplikante na may emergency o kailangan ng urgent consular services, maaaring makipag-ugnayan sa CO Tacloban sa pamamagitan ng email: [email protected] o mag-text at call sa 0951-833-5246 tuwing working hours lamang.

Magbabalik naman sa normal na operasyon ang CO Tacloban sa Lunes, September 14.

TAGS: CO Tacloban, DFA, DFA Consular Office, disinfection, Inquirer News, Radyo Inquirer news, CO Tacloban, DFA, DFA Consular Office, disinfection, Inquirer News, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.