Panukala upang palawigin ang estate tax amnesty lusot na sa ikalawang pagbasa ng Kamara
Aprubado na sa ikalawang pagbasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukala upang palawigin pa ng dalawang taon ang estate tax amnesty.
Sa viva voce voting lumusot ang House Bill 7068 na naglalayong amyendahan ang RA 11213 o ang Tax Amnesty Act.
Ayon kay Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda, sa ilalim nito, bibigyan ng kaluwagan ang mga indibidwal na may outstanding tax liabilities
Kapag naging batas palalawigin pa ng dalawang taon ang amnesty para sa paghahain ng estate tax na inaprubahan noong February 2019 ng pangulo.
Magugunitang sinabi ng Bureau of Internal Revenue na mula 2019 hanggang June 2020 ay aabot lamang sa 23, 911 ang nag avail ng Estate Tax Amnesty at Tax Amnesty on Delinquencies.
Nasa P3.40B pa lamang ang naman ang nakokolekta ng BIR para sa estate tax delinquency habang P4.75B ang nakolekta para sa pagbabayad ng estate tax sa nasabing panahon.
Malayo pa ito sa target na P21B para sa tax amnesty on delinquencies at P6B para sa maghahain ng estate tax.
Tatagal lamang ang bisa ng batas ng dalawang taon matapos itong aprubahan ni Pangulong Duterte noong February 2019.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.