Ilang lalawigan sa Central at Southern Luzon uulanin sa susunod na mga oras

By Dona Dominguez-Cargullo September 10, 2020 - 12:32 PM

Makararanas ng pag-ulan sa suusunod na mga oras ang ilang mga lalawigan sa Central at Southern Luzon.

Sa thunderstorm advisory na inilabas ng PAGASA alas 11:50 ng umaga ngayong Huwebes, Sept. 10, katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa Zambales, Cavite at Batangas sa susunod na mga oras.

Ganitong lagay na rin ng panahon ang nararanasan sa bayan ng Liliw, Nagcarlan, at Majayjay sa Laguna at sa mga bayan ng Lucban, Tayabas, Sariaya, Candelaria, San Francisco, at Tagkawayan sa Quezon.

Paalala ng PAGASA ang mararanasang malakas na buhos ng ulan ay maaring magdulot ng pagbaha sa mabababang lugar.

 

 

 

TAGS: Inquirer News, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, Inquirer News, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.