Ayon kay Cayetano, may sapat na alokasyon ang gobyerno para pambili ng anti COVID-19 vaccines at sa pagsasagawa ng therapeutic science research.
Hiling lang ni Cayetano sa Inter-Agency Task Force (IATF) na bigyan sila ng tamang impormasyon upang makapaglaan ng tamang halaga ng Kongreso ang pagbili ng anti COVID-19 vaccines.
Ang panawagan ni Cayetano ay kasunod na rin ng nakita niyang ulat na ang bansang Australia ay naghahanda na ng US $1.2 Billion para sa bakuna.
Bagamat batid ni Cayetano na iba naman ang itatakdang presyo ng mga manufacturers ng bakuna sa mga developing countries, hindi pa naman nakasisiguro na mapapabilang dito ang bansa upang bigyan tayo ng mas mababang presyo ng COVID-19 vaccine.
Sinabi pa ng Speaker na maigi silang nakikipag-ugnayan ngayon sa Senado at sa mga cabinet Secretaries upang matiyak na targeted at nakatugon sa COVID-19 ang pambansang pondo sa susunod na taon.