Sapat na pondo para sa pagbili ng bakuna kontra COVID-19 tiniyak ng Kamara
Siniguro ni House Speaker Alan Peter Cayetano na mayroong sapat na pondo para sa bakuna sa COVID-19 sa ilalaim ng P4.5T 2021 national budget.
Ayon kay Cayetano, may sapat na alokasyon ang gobyerno para pambili ng anti COVID-19 vaccines at sa pagsasagawa ng therapeutic science research.
Hiling lang ni Cayetano sa Inter-Agency Task Force (IATF) na bigyan sila ng tamang impormasyon upang makapaglaan ng tamang halaga ng Kongreso ang pagbili ng anti COVID-19 vaccines.
Ang panawagan ni Cayetano ay kasunod na rin ng nakita niyang ulat na ang bansang Australia ay naghahanda na ng US $1.2 Billion para sa bakuna.
Bagamat batid ni Cayetano na iba naman ang itatakdang presyo ng mga manufacturers ng bakuna sa mga developing countries, hindi pa naman nakasisiguro na mapapabilang dito ang bansa upang bigyan tayo ng mas mababang presyo ng COVID-19 vaccine.
Sinabi pa ng Speaker na maigi silang nakikipag-ugnayan ngayon sa Senado at sa mga cabinet Secretaries upang matiyak na targeted at nakatugon sa COVID-19 ang pambansang pondo sa susunod na taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.