Maynilad magpapatupad ng service interruption sa ilang lugar sa Las Pinas, Paranaque, Pasay, Muntinlupa at Cavite

By Dona Dominguez-Cargullo September 10, 2020 - 09:14 AM

Pansamantalang isasara ng Maynilad ang Putatan Water Treatment Plant 1 nito sa Muntinlupa City.

Ito ay upang magsagawa ng maintenance works at upgrades sa nasabing pasilidad, at ilang enhancement activities sa pipe network sa Cavite City.

Dahil dito, ang mga customer ng Maynilad sa ilang bahagi ng Las Piñas, Muntinlupa, Parañaque, Pasay, at Cavite ay pansamantalang makakaranas ng paghina ng water pressure hanggang sa tuluyang pagkawala ng suplay ng tubig sa loob ng ilang oras, sa pagitan ng alas 10:00 ng gabi ng Sept. 17, 2020 (Huwebes) at alas 7:00 ng umaga ng Setyembre 19, 2020 (Sabado).

Pinapayuhan ang mga apektadong customer na mag-ipon ng sapat na tubig na sasapat sa oras ng water service interruption.

May standby water tankers din ang Maynilad para mag-deliver ng tubig kung kinakailangan.

Narito ang mga apektadong lugar:

https://www.facebook.com/MayniladWater/photos/a.2384139031892953/2384139451892911/

TAGS: cavite, las pinas, maynilad, Muntinlupa, Paranaque, Pasay, service interruption, cavite, las pinas, maynilad, Muntinlupa, Paranaque, Pasay, service interruption

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.