Cataingan, Masbate niyanig ng magnitude 3.9 na lindol

Muling niyanig ng magnitude 3.9 na lindol ang lalawigan ng Masbate.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 14 kilometers southeast ng bayan ng Cataingan, alas-8:27 umaga ng Huwebes (September 10).

May lalim na 7 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala pang naitatalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

Ang pagyanig ay aftershock ng magnitude 6.6 na pagyanig sa Cataingan, Masbate noong August 18.

 

 

Read more...