Central Visayas nakapagtala ng 95 bagong kaso ng COVID-19
Sumampa na sa 19,492 ang buong kaso ng COVID-19 na naitala sa Central Visayas.
Ito ay makaraang makapagtala pa ng dagdag na 95 na bagong kaso ng sakit kahapon (Sept. 9).
Ayon sa DOH-Central Visayas Center for Health Development, sa 19,492 na total confirmed cases ng COVID-19 sa rehiyon, 1,628 na lang ang aktibong kaso.
Umabot naman na sa 1,196 ang bilang ng nasawi.
Habang nakapagtala ng dagdag na bilang ng recoveries na umabot sa 161 dahilan para umabot na sa 16,668 ang bilang ng mga gumaling sa sakit.
Malaking bilang ng kaso ng COVID-19 sa Central Visayas ay sa Cebu City na nakapagtala na ng 9,740 cases.
360 na lang ang aktibong kaso sa Cebu City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.