Bahagi ng Brgy. Molino 3 sa Bacoor sasailalim sa lockdown simula ngayong araw

Magpapatupad ng temporary lockdown sa Nazareth Compound sa Barangay Molino 3 sa Bacoor City.

Ang lockdown ay simula ngayong araw Sept. 10 at tatagal hanggang sa Sept. 24.

13 indbidwal na ang nagpositibo sa COVID-19 sa Nazareth Compound simula nang umpisahan ang targeted mass testing noong Sept. 2.

Samantala, mayroon ding mga subdivision na isasailalim naman sa modified enhanced community quarantine.

Kabilang dito ang mga sumusunod:
– Camella North
– Amici
– Madeline Place
– Spv Central
– Spv West
– Spv South
– Spv East
– Ponticelli
– Meadow 1
– Cerritos
– Executive
– Gardens 2, 3 and 4
– Cerritos Trails

 

Read more...