Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 26,578

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Miyerkules (September 9, 3:00 PM) nakapagtala ng 530 na bagong kaso kaya pumalo na sa 26,578 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 6,899
Laguna – 9,049
Batangas – 4,325
Rizal – 4,991
Quezon – 1,314

Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 13,979.

Nasa 11,932 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 198 na bagong recovery.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 3,092
Laguna – 4,862
Batangas – 1,882
Rizal – 1,433
Quezon – 663

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 2 kaya umabot na sa 667 ang bilang.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 160
Laguna – 187
Batangas – 97
Rizal – 182
Quezon – 41

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay

 

 

 

 

Read more...