Search ops ng Japan sa 36 missing Pinoy seamen, itinigil na

By Jan Escosio September 10, 2020 - 01:09 AM

Inanunsiyo ni Labor Secretary Silvestre Bello III na itinigil na ng Japanese Coast Guard ang paghahanap sa mga nawawala pang tripulante ng nawawalang cargo vessel.

Ayon kay Bello, ang paghinto sa operasyon ay ibinalita sa kanya ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Osaka, Japan.

Kabilang pa sa nawawala ang 36 na Filipino.

Gumamit ang Japan ng dalawang eroplano, tatlong patrol boats at mga diver sa mahigit isang linggong search and rescue operations.

Aniya, wala naman na silang magagawa dahil hindi nila maaaring panghimasukan ang desisyon ng gobyerno ng Japan.

Isa naman sa malaking inaalala ni Bello kung paano ipaparating sa kaanak ng mga nawawalang Filipino ang naging hakbang ng Japan.

Nagmula sa New Zealand ang Gulf Livestock 1 at patungo sa China para ihatid ang mga kargang baka.

Sa 43 tripulante, tatlong Filipino ang natagpuan at isa ay wala nang buhay.

TAGS: COVID-19, Gulf Livestock 1, Inquirer News, Japanese Coast Guard, missing Filipino seafarers, Radyo Inquirer news, search and rescue operations, Sec. Silvestre Bello III, COVID-19, Gulf Livestock 1, Inquirer News, Japanese Coast Guard, missing Filipino seafarers, Radyo Inquirer news, search and rescue operations, Sec. Silvestre Bello III

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.