Higit P800,000 halaga ng high grade marijuana, nabuking ng NAIA-Customs

By Jan Escosio September 10, 2020 - 01:02 AM

Photo grab from BOC Facebook video

Kinumpiska ng Bureau of Customs – NAIA ang isang package nang makumpirma na naglalaman ito ng ‘kush’ o high-grade marijuana.

Ang package ay nagmula sa California, US at idineklarang naglalaman ng limang piraso ng damit.

Ngunit nang matiyak ng BOC na ‘misdeclared’ ang package na bumagsak sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City, isinailalim na ito sa pagsusuri ang nadiskubre ang 533 gramo ng kush na nagkakahalaga ng P852,000.

Nabatid na ang package ay nakapangalan sa isang Aura Talob ng Davao City.

Nasa kustodiya na ng PDEA ang imported drugs.

Ito na ang ikaapat na pagkakataon ngayon taon na nakakumpiska ang BOC – NAIA ng kush na mula sa US.

TAGS: Bureau of Customs, Central Mail Exchange Center, confiscated kush, confiscated marijuana, high grade marijuana, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Bureau of Customs, Central Mail Exchange Center, confiscated kush, confiscated marijuana, high grade marijuana, Inquirer News, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.