Sinabi ni Mayor Vico Sotto na sa unang araw ng Oktubre ang pamamahagi ng laptops at tablets dahil inaasahan nila na darating ang mga ito bago magtapos ang Setyembre.
Aniya, pagmumultahin ang supplier kapag nabigo ito na mai-deliver ang mga gamit sa takdang araw.
Dagdag ni Sotto, bahagi ito ng pagkasa nila ng ‘blended learning system’ sa lungsod.
Kasabay nito, inanunsiyo ng opisyal ang patuloy na paggawa ng learning modules at bumili na sila ng mga bagong makina para sa pag-imprenta ng mga aralin ng mga estudyante.
Nakapagpatayo na rin sa lungsod ng internet centers sa mga pampublikong paaralan para magamit ng mga guro at estudyante sa kanilang online education.