Distribusyon ng laptops, tablets sa Pasig City ikakasa sa October 1
Maihahabol sa muling pagbubukas ng mga klase para magamit ng mga guro at estudyante sa mga pampublikong paaralan sa Pasig City ang bagong laptops at tablets.
Sinabi ni Mayor Vico Sotto na sa unang araw ng Oktubre ang pamamahagi ng laptops at tablets dahil inaasahan nila na darating ang mga ito bago magtapos ang Setyembre.
Aniya, pagmumultahin ang supplier kapag nabigo ito na mai-deliver ang mga gamit sa takdang araw.
Dagdag ni Sotto, bahagi ito ng pagkasa nila ng ‘blended learning system’ sa lungsod.
Kasabay nito, inanunsiyo ng opisyal ang patuloy na paggawa ng learning modules at bumili na sila ng mga bagong makina para sa pag-imprenta ng mga aralin ng mga estudyante.
Nakapagpatayo na rin sa lungsod ng internet centers sa mga pampublikong paaralan para magamit ng mga guro at estudyante sa kanilang online education.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.