Mandaluyong City, nakapagtala ng 58 pang kaso ng COVID-19
Napaulat ang 58 pang nagpositibong residente ng Mandaluyong City sa COVID-19.
Sa datos ng Mandaluyong City Health Department hanggang 4:48, Miyerkules ng hapon (September 9), 3,533 na ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.
Sa nasabing bilang, 973 ang aktibong kaso.
163 ang itinuturing na probable cases habang 1,534 ang suspected cases kung saan 12,225 ang cleared na.
49 naman ang mga bagong gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 2,440 na ang total recoveries ng COVID-19 sa lungsod.
Nanatili naman sa 120 ang mga residenteng pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.