Mga nakapag-enroll para sa SY 2020-2021, higit 24.30 milyon na

Lagpas 24.30 milyon na ang bilang ng mga estudyante na nakapag-enroll sa bansa para sa School Year 2020-2021.

Ito ay base sa inilabas na datos ng
Department of Education (DepEd) bandang 8:00, Miyerkules ng umaga (September 9).

Ayon sa DepEd, tinatayang 24,305,551 na ang bilang ng enrollees sa bansa.

Katumbas ito ng 87.82 porsyento ng enrollees noong School Year 2019-2020.

Sa nasabing bilang, 22,226,131 mag-aaral ang nag-enroll sa mga pampublikong paaralan habang 2,029,202 milyon naman ang nasa private schools.

Karamihan sa naitalang kabuuang bilang ng enrollees ay elementarya students na nasa 11,718,713.

Umabot naman sa 7,655,473 ang mga nakapag-enroll sa Junior High School at 2,778,945 sa Senior High School.

Nasa 1,713,835 na mag-aaral ang nag-enroll sa Kindergarten habang 374,427 sa Alternative Learning System.

64,158 naman ang learner with disabilities (non-graded) na nakapag-enroll.

Inaasahang madaragdagan pa ang bilang ng enrollees.

Read more...