Isang LPA, namataan sa loob ng bansa – PAGASA
Binabantayan na ng PAGASA ang isang namataang low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon kay PAGASA weather specialist Chris Perez, huling namataan ang LPA sa layong 895 kilometers Silangang bahagi ng Southern Luzon.
Wala pa aniyang direktang epekto ang LPA sa anumang parte ng bansa.
Sinabi pa nito na maliit pa ang tsansa na lumakas ito at maging isang bagyo.
Samantala, Intertropical Convergence Zone o ITCZ naman aniya ang magdudulot ng posibleng isolated thunderstorm sa buong Palawan, Visayas at Mindanao.
Miyerkules ng gabi, sinabi ng weather bureau na asahan ang maulap na kalangitan na may pulo-pulong pag-ulan, pagkidlat at pagkulog sa Bicol region at Eastern Visayas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.