65 foot Moby Dick Boat, balak na tawirin ang Atlantic Ocean.
Isang 73 years old former British special forces soldier ang nagbabalak na tumawid sa Atlantic Ocean ng nag-iisa, sakay ng homemade, whale-shaped boat na ipinangalan sa isang karater na sikat na libro ni Herman Melville noong 1851 na Moby Dick or ‘Moby’.
Sinimulan ng adventurer na si Tom McClean ang paggawa ng hugis whale na barko 20 taon na ang nakakalipas at gumugol na rin ito ng halos £100,000.
“We are putting a compressor off the engine and she’ll spout just like a whale!” ayon kay McClean sa interview sa kanya ng CBC Radio sa Great Britain.
Si Mclean ay sinasabing kauna-unahan na tumawid sa North Atlantic mula sa Newfoundland, Canada papunta ng Ireland. Hawak din niya ang record na kauna-unahang tumawid sa Atlantic Ocean, sakay ng isang maliit na bangka.
Ang whale shaped boat Moby ay may habang 65ft, may taas na 25ft at bigat na 60 tonnes, una na itong sinubukan ni Tom McClean, sa paglalayag na may layong 2,000-mile papaikot ng Britain noong taong 1996.
Sa loob nito ay may lounge, cabin, engine room, gallery habang nasa tiyan naman nito ang fuel tanks. “I’ve crossed it (the Atlantic Ocean) in a bottle boat. You can go in many shapes so I thought, why not a whale?” ayon pa kay McClean
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.