Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (Martes, September 8), nadagdagan ng 130 ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kaya umabot na ito sa 4,567.
Sa nasabing bilang 1,296 ang active cases.
Ang bilang naman ng mga nasawi sa COVID-19 sa lalawigan ay nasa 241 kung saan apat ang nadagdag.
Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 6,104 na.
MOST READ
LATEST STORIES