Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Miyerkules (September 9), umabot na sa 245,143 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 55,614 ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 3,176 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
88.3 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 8.6 porsyento ang asymptomatic; 1.3 porsyento ang severe habang 1.8 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nakuha ang mga datos mula sa 105 out of 117 licensed laboratories.
Nasa 70 ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 3,986 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 376 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 185,543 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.