2.8-M indigent senior citizens, nakatanggap ng ayuda
Umabot na sa 2.8 milyong indigent senior citizens ang nakatanggap ng pinansyal na ayuda.
Ayon kay Social Welfare Undersecretary Rene Glen Paje, mula ito sa Social Pension for Indigent Senior Citizens Program ng DSWD.
Ayon kay Paje, sa kabuuan, nasa P8.4 bilyon na ang naipapamahagi sa mga senior citizen.
Patuloy din aniya ang DSWD sa pamamahagi ng family food packs sa mga lokal na pamahalaan upang matugunan ang pangangailangang pagkain ng kanilang mga nasasakupan na apektado ng COVID-19.
“Sa kabuuan din po, nasa 1.7 million family food packs na rin ang naipamahagi natin at nagkakahalagang 9.1 million pesos sa mga lokal na pamahalaan sa buong kapuluan,” pahayag ni Paje.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.