Ligtas na naihatid ang humigit-kumulang 100 locally stranded individual (LSI) at authorized person outside residence (APOR) sa Iloilo City, araw ng Martes (September 8).
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nagmula ang mga LSI sa Maynila habang ang mga APOR ay mula sa Cebu.
Ginabayan naman ang mga LSI at APOR sa pagsasailalim sa disembarkation at health protocol sa Arrastre Pier, Fort San Pedro.
Tinulungan din ang mga ito sa pagsakay sa mga government service vehicle upang maihatid sa designated isolation facility para sa mandatory 14-day quarantine.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.