Kinastigo din ng grupo ang dalawang personalidad na ginagamit ng PECO na sina Jose Allen Aquino at Ruperto Supena na nagpapakilalang convenor ng grupo na peke at kapwa walang koneksyon sa KBK.
Sina Aquino at Supena ay makailang beses nang humarap sa patawag na virtual conference ng PECO at ipinangangalandakan na lehitimong lider ng consumer group at inaakusahan ang More Power na palpak ang operasyon sa Iloilo City kasama na dito ang pagdoble ng insidente ng brownout at pagtaas ng system loss kaya ipinapanawagan nito sa Energy Regulatory Commission(ERC) na magpatupad ng refund.
Gayunpaman ang mga nasabing akusasyon ay pawang base sa maling impormasyon at layon lamang siraan at targetin ang More Power.
Ayon sa orihinal na Presidente ng KBK na si Halley Alcarde, kung nais nina Aquino at Supena na siraan ang More Power ay gawin nila ito sa kanilang sariling kapasidad at huwag gamitin ang kanilang libong miyembro.
“Not only are they misrepresenting our organization, they are misleading the public in telling the Manila press that their sentiment is the sentiment of the Iloilo consumers. They have used KBK and its identity without permission.We did not give them that mandate.For the record, these two are not in any way connected with the KBK and cannot speak on behalf of our thousand of members”paliwanag ni Alcarde.
Para itama ang ginawang pamemeke nina Aquino at Supena sinabi ni Alcarde ay magsasagawa ng special meeting ang KBK Board of Trustees para magpalabas ng opisyal na paglilinaw sa ERC na hindi sintimyento ng consumer group ang mga isyung ibinibintang laban sa More Power gayundin ay inihahanda na nila ang posibleng kasong ihaharap laban sa dalawa upang hind na tuluyan pang magamit ang kanilang grupo.
“Our association being the legitimate representative of the Iloilo City power consumers, cannot and will not ignore these acts of misrepresentations by Aquino and Supena, they owe us and the public an explanation and an apology”dagdag pa ni Alcarde.
Patukoy sa tunay na kalagayan ng power system sa Iloilo City, sinabi ni Alcarde na mali ang ipinalalabas na mga paninira ng PECO dahil mismong sila na mga consumer ang makapagpapatunay na umayos ang power suppply nang magtake-over ang More Power at bagamat 6 na buwan pa lamang na nag-ooperare ay kapansin pansin na ang mga pagbabagong ipinatutupad.
“Although we wish not to take sides on the issue between PECO and More Power.It is our common stand that Iloilo City is far better with More Power, especially as we see day-to-day improvements of the distribution services. There are also downsides, but we are mindful of the fact that the power anomalies and outrages we are experiening right now are a result of PECO’s severely underdeveloped distribution facilities and neglect” pahayag ni Alcarde.
Ang KBK na rehistrado sa Securities and Exchange Commission(SEC) ay koalisyon ng ibat ibang organisayon sa Iloilo City kabilang ang Church sector, transport cooperative, teachers and parents associaion, jeepney and operators association at advocacy group na Bawal ang Korap.