Creator ni R2-D2 ng Star Wars natagpuang patay
Natagpuang wala nang buhay ang 68-anyos na si Professor Tony Dyson sa loob ng kanyang bahay sa Triq Zirzieb District sa Gozo Island sa Malta.
Si Dyson ang creator ng “star wars” character na si R2-D2 na isang uri ng robot.
Sinabi ng mga otoridad na itinawag sa kanila ng mga kapitbahay ni Dyson na naiwan nitong nakabukas ang pintuan ng kanyang bahay sa nakalipas na magdamag.
Nang dumating sa lugar ang mga pulis ay nakita nila ang bangkay ni Dyson na mula pa noong 1990 ay sa nasabing bahay na nakatira.
Wala namang nakitang palatandaan ang mga otoridad na pwersahang binuksan ang bahay ni Dyson at wala ring nakitang marka sa kanyang katawan kung siya ba ay biktima ng karahasan.
Ipinapalagay ng mga imbestigador na natural death ang dahilan ng kamatayan ng biktima.
Ang R2-D2 character ay nilikha ni Dyson mula sa creation ni Ralph Mc. Quarrie na Cocoon at E.T.
Bukod sa star wars movie, si Dyson din ang nasa likod ng special effects para sa Superman 2 at Moonraker na isa sa mga sikat na James Bond Movies.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.