Petisyon na humihiling na ibalik sa MIA ang pangalan ng NAIA, ibinasura ng SC
Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon na humihiling na mapawalang bisa ang batas na nag-pangalan sa Manila International Airport bilang Ninoy Aquino International Airport Authority (NAIA).
Ayon kay SC spokesman Brian Keith Hosaka, unanimous ang naging boto ng Supreme Court en banc sa pagbasura sa petisyon ni Atty. Lorenzo Gadon.
Ibinasura ang petisyon dahil sa kawalan ng merito.
Sa kaniyang petisyon, hiniling ni Gadon na ipawalang bisa ng SC ang RA 6639 na nagbabago sa pangalan ng MIA bilang NAIA noong 1978.
Sinabi ni Gadon na nilabag ng nasabing batas ang guidelines ng National Historical Commission of the Philippines o NHCP.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.