Global death toll sa COVID-19 mahigit 900,000 na

Sumampa na sa 901,629 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa huling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER, pinakamaraming naitalang nasawi pa rin sa US na umabot na sa 194,032 .

Sumampa naman na sa mahigit 127,500 ang bilang ng mga nasawi sa Brazil.

Ang death toll sa India ay mahigit 74,000 na.

Habang ang death toll sa Mexico ay umabot na sa mahigit 68,000.

Umabot naman na sa mahigit 19.8 million na ang bilang ng mga naka-recover na sa sakit.

Habang nasa mahigit 7 million pa ang aktibong kaso.

Narito ang bilang ng mga nasawi sa iba’t ibang ng mga bansa:

USA – 194,032
Brazil – 127,517
India – 73,923
Mexico – 68,484
UK – 41,586
Italy – 35,563
France – 30,764
Peru – 29,976
Spain – 29,594
Iran – 22,542

 

 

Read more...