Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Miyerkules (Sept. 9) ay 27,721,445 na ang global cases ng COVID-19.
Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 240,000 na bagong kaso sa magdamag.
Ang US ay nakapagtala ng mahigit 28,000 na dagdag na mga kaso.
Ang Brazil ay nakapatala ng dagdag na 17,000 na mga kaso.
Mahigit 89,000 naman ang bagong kaso na naitala sa India.
Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:
USA – 6,513,686
India – 4,367,436
Brazil – 4,165,124
Russia – 1,035,789
Peru – 691,575
Colombia – 679,513
South Africa – 640,441
Mexico – 637,509
Spain – 534,513
Argentina – 500,034