20,000 piraso ng ISIS uniforms nasabat sa Spain

Isis Jpost
Jpost pic

Umaabot sa halos ay 20,000 piraso ng mga complete military uniform na para umano sa mga miyembro ng ISIS ang nakumpiska sa Spain.

Sa ulat ng kanilang Foreign Ministry, nakumpiska ang nasabing kontrabando na nakatakda na sanang ipadala sa Iraq at Syria sa pamamagitan ng barko.

Ang nasabing mga ISIS military uniforms ay inihalo sa ilang mga second-hand na damit para hindi mahalata ng mga otoridad.

Nakalagay ang mga ito sa tatlong shipping containers na sinasabing ready for shipment na hindi lamang para sa ISIS kundi sa iba pang terror group tulad ng Al-Qaeda at Jabhat al-Nusra.

Pitong mga indibiduwal din ang isinasa-ilalim ngayon sa tactical interrogation ng mga otoridad sa Spain at tumanggi silang sabihin ang eksaktong lugar kung saan nabawi ang nasabing mga military uniforms.

Nakikipag-ugnayan na rin ang Spain sa kanilang mga counterparts sa ibat-ibang bahagi ng Europe para sa paghahanap sa iba pang shipment ng ISIS uniforms na posibleng nasa mga pantalan na sa kasalukuyan.

Read more...