WATCH: SUV bumangga sa concrete barriers sa EDSA

Isang SUV ang bumangga sa concrete barriers sa EDSA Busway.

Ayon sa MMDA, nangyari ang aksidente sa bahagi ng EDSA-Santolan malapit sa flyover – northbound.

Sinabi ni MMDA Spokesperson Celine Pialago na nakausap niya mismo ang driver ng kulay puting Innova.

Katwiran nito, nalito siya at nawalan ng kontrol bunsod ng mga humaharurot na sasakyan sa kaniyang kaliwa at kanan.

Hindi naman nakainom ang driver at negatibo ito sa alcohol nang isailalim sa breath analyzer.

 

 

Read more...