Kaso ng COVID-19 naitala sa Baguio City 391 na

Nakapagtala ng apat pang bagong kaso ng COVID-19 sa Baguio City.

Ayon sa datos na inilabas ng Baguio City Public Information Office, umakyat na sa 391 ang total confirmed cases ng COVID-19 sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 90 ang aktibong kaso, 10 ang pumanaw at 291 na ang gumaling.

Mayroon pang 7,306 na residente ng Baguio City ang kasalukuyang sumasailalim sa quarantine.

Ang Baguio City ay nakapagsagawa na ng 38,592 na RT PCR test.

 

 

 

Read more...