10 pang dagdag na ruta ng tradisyunal na mga jeep binuksan ngayong araw
Simula ngayong araw, Miyerkules (Sept. 9) mayroong 10 ruta ng tradisyunal na jeep ang bibiyahe sa Metro Manila.
Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) dahil dito, umabot na sa 227 ang bilang ng mga ruta para sa traditional at modern jeepney na pinapayagang makabiyahe sa ilalim ng pag-iral ng general community quarantine (GCQ).
Simula nang umiral ang GCQ sa Metro Manila ay nagpatuloy na ang “calibrated” at “gradual” na pagbubukas ng ublic transportation.
Narito ang mga dagdag na ruta:
T138 Edsa/North Ave.-Quezon City Hall
T139 Marcos Ave.-Quirino Highway via Tandang Sora
T340 Dapitan-Libertad via L. Guinto
T341 Divisoria-Retiro via JA Santos
T342 Divisoria-Sangandaan
T395 Libertad-Washington
T396 Baclaran-Escolta via Jones, L. Guinto
T397 Baclaran-QI via Mabini
T398 Blumentritt-Libertad via Quiapo, L. Guinto
T399 Blumentritt-Vito Cruz via L. Guinto
Ang mga bibiyaheng jeep sa hindi otorisadong ruta ay huhulihin ayon sa LTFRB.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.