Nasa 1,000 Overseas Filipinos nakauwi sa bansa kahapon

Nasa 1,000 Overseas Filipinos pa ang dumating sa bansa kahapon.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, 200 Pinoy mula sa Los Angeles, USA ang dumating sa NAIA.

Mayroon ding 250 na Pinoy mula Qatar ang sumailalim sa repatriation at dumating na sa bansa.

Lulan naman ng special repatriation may mga OFs ding dumating sa NAIA galing ng Bahrain.

Habang ilang overseas Filipinos din ang nakauwi na galing Egypt.

Ayon pa sa DFA, 270 na Filipinos mula UAE ang nakauwi na din at mayroon pang 78 sea-based OFWs ang dumating galing naman ng India.

 

 

Read more...