Central Visayas nakapagtala ng 41 bagong kaso ng COVID-19; may naitala ding dagdag na 29 na nasawi
Sumampa na sa 19,398 ang buong kaso ng COVID-19 na naitala sa Central Visayas.
Ito ay makaraang makapagtala pa ng dagdag na 41 na bagong kaso ng sakit kahapon (Sept. 8).
Ayon sa DOH-Central Visayas Center for Health Development, sa 19,398 na total confirmed cases ng COVID-19 sa rehiyon, 1,694 na lang ang aktibong kaso.
Umabot naman na sa 1,195 ang bilang ng nasawi dahil sa COVID-19 sa Central Visayas matapos madagdagan ng 29 pa.
Habang nakapagtala ng dagdag na bilang ng recoveries na umabot sa 138 dahilan para umabot na sa 16,509 ang bilang ng mga gumaling sa sakit.
Malaking bilang ng kaso ng COVID-19 sa Central Visayas ay sa Cebu City na nakapagtala na ng 9,702 cases.
345 na lang ang aktibong kaso sa Cebu City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.