Taj Mahal bubuksan na muli sa mga turista sa kabila ng patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases sa India
Sa kabila ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa India, nakatakda nang buksan muli sa mga turista ang dinarayong Taj Mahal.
Mahigit 6 na buwan nang sarado ang Taj Mahal na top tourist attraction sa India.
Ayon sa Tourism Department ng Uttar Pradesh, sa September 21 nakatakdang muling buksan ang Taj Mahal.
Tiniyak naman ng mga opisyal na magpapatupad ng COVID-19 protocols kabilang ang physical distancing at pagsusuot ng face masks sa mga magtutungo sa tourist area.
Lilimitahan din sa 5,000 kada araw lamang ang papayagang makapasok na higit na mababa kumpara sa 20,000 na daily average ng mga bumibisita sa Taj Mahal.
Ang Uttar Pradesh ay isa sa mga estado sa India na may mataas na kaso ng COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.